memory's sacred domain

moments mundane and magical

Archive for the ‘translations’ Category

A Good Friday Poem

leave a comment »

Good Friday is just around the corner, and our campus-based Alliance congregation, the Christ our Life Fellowship, will be holding a Tenebrae (A Service of Shadows);  for that purpose I found this poem in English by Henry J. Baron, entitled In the Courtyard with Peter, and translated it with the help of a friend into Tagalog, for use as one of the readings for the Tenebrae.        

Candles3

Sa Patyo kasama ni Pedro

(Salin mula sa Ingles nina Romel Bagares at Agatha Palencia, 3.25.13)

Ako man any naroon noon sa kailaliman ng gabi sa patyo ng Punong Pari

nang sa takot ang mga anghel sa kaitasan ay nagliparan palibot sa trono ng Ama

nang ang mga nakaismid na mga lehiyon ay nag-unahan at nagtulakan sa maagang selebrasyon

nang walang pakundangang umupo si Pedro kasama ang mga guwardiya palibot sa apoy

upang bantayan si Hesus—

Ako man ay naroon

Narinig at nakita ko ang mga karimari-marim, kasuklam-suklam na masasamang taong

nagkubli bilang mga pari, mga nakatatanda, at mga mangangaral ng batas

habang kanilang inabuso ang Diyos na kailanma’y hindi nila kinilala

sapagkat sila’y hindi mga tagasunod Niya

hindi nila narinig ang kanyang pangangaral sa bundok na nagbasbas

sa payak ang kalooban, sa mapagpakumbaba, sa maawain, sa dalisay ang puso

dahil hindi sila ganoon at hindi sila kailanman nagnais maging ganoon

aaminin kong ako ma’y hindi ganoon ngunit palagiang nagnanais maging tagasunod.

Sila’y hindi mga tagasunod Niya

kaya hindi nila kilala ang Anak ng Diyos na ito

O kung ginusto nila

kung nakita nila ang pilay na sumayaw sa tuwa

kung nakita nila ang  luwalhati sa mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag

kung nakita nila ang ganda ng bagong balat na nagdabdab sa braso ng isang dating ketongin

kung nakita nilang lumundag  ang espiritu ng isang balo ng muling magkabuhay ang anak na namatay

kung nakita nga nila, tatawagin din kaya nila si Kristo bilang Anak ng Diyos?

Alam ni Pedro, at ako man ay nakakaalam din.

Ngunit si Pedro’y itinatwa ito nang may panunumpa;

Ako rin kaya’y may ginawang ganitong sala, kung kailan mas ligtas at mas madali ang magpanggap?

Tumatangis ang mga angel, habang ang mga diyablo’y nagsasayaw.

Naririnig natin siyang Kabanal-banalan na sinumpang mamatay

dahil sa kung sino Siya

napagmamasdan natin ang pagbaling ng kanyang mukha

ang maruming dura ng mga mapag-alipustang lalaking naghahalo ng kanyang dugo

Ibabaling niya ang kanya mukha at titingin ng tuwid kay Pedro

at sa akin

sa bawat isa sa aming nagtaksil sa aming sinumpaan

at sa kanyang tingin ay walang paghuhusga, sa halip ito ay pag-ibig

pag-ibig na dumudurog sa puso ng nagkasala.

Si Pedro’y  naglakad tungo sa kadiliman at doon ay mapait na nanangis.

At ako man ay nanangis din.

            

Written by Romel

March 26, 2013 at 4:01 pm

translations and treacheries

leave a comment »

Traduttore, traditore. Translator, traitor. But I love to translate poetry written in English into Filipino!  For a poor versifier such as I,  it’s the next best thing to actually writing poetry.   So here’s the most recent produce of my traitorous mind, my translation of Luci Shaw‘s  Advent poem, Made flesh. I’d like to thank my friend — a great poet of a lawyer — Pambie Herrera, who read this at our church’s  Advent Service in Lessons and Carols last night. Ariel Lev Pinzon was  herself a revelation when she read the original poem in English.

Nagkatawang Tao 

Pagkatapos

na pagtiyapin

ang langit at madilim na lupa

ng  kinang ng mainit na pagpapahayag

ang kanyang nakakapaso’t matalas na liwanag

ay sandaling nawala’t

itinago ng lumbay ng sinapupunan:

ang hinahon ng  malawak Niyang rangya

ang pangkalahatan Niyang biyaya

Tinuping maliit sa maligamgam na anino

ng bahay-bata—

Salitang isinilid sa siyam na buwang katahimikan—

walang hanggang nabakuran sa sinapupunan

hanggang sa susunod na kalakhan—ang Dakila,

matapos  magpasakop sa paghihirap ng isang babae,

Kawawa sa ulilang sahig

Nakatikim ng mapait na lupa.

Ngayon  ako, sa Kanya’y sumusuko

Sa ipit at iyak ng kapanganakan.

Dahil ang walang hangga’y

napiit sa panahon

Siya ang aking bukas na pinto

Sa magpakailanman.

Mula sa kanyang pagkakapiit  mga kalayaan ko’y sumibol

nagkapakpak.

Ako’y bahagi ng katawan Niya,

nalalampasan ko ang katawang ito.

Mula sa kanyang matamis na katahimikan,  bibig ko’y umaawit.

Mula sa kanyang karimlan, ako’y kumikinang

Ang buhay ko, bilang kanya,

pupuslit sa baklad ng kamatayan,

Mga himig ng panahon,

kapit-bisig ang langit,

kausap ang mga tala.

 

 

Salin  sa Filipino ni Romel Regalado Bagares  ng orihinal na tula sa Ingles  ni Luci Shaw. 12.4.11


Written by Romel

December 4, 2011 at 4:13 pm

%d bloggers like this: